Pages

Saturday, June 27, 2015

ANO ANG DIABETES?

GUSTO MO BA UMABOT KA PA SA GANITONG SITWASYON.......


ANO ANG DIABETES?
• Binabago ng diabetes ang paraan ng paggamit ng katawan sa pagkain. Ang pagkain ay nagiging asukal sa loob ng katawan.
• Dinadala ng dugo ang asukal na ito sa buong katawan. Ang insulin ay tumutulong na kunin ang asukal sa dugo para maging enerhiya ngkatawan.
• Kapag ang inyong katawan ay nagkukulang sa enerhiya, ang inyong blood sugar ay nananatiling
mataas.
• Ang mataas na blood sugar ay maaaring maging sanhi ng komplikasyon sa puso at kidney,
pagkabulag, atake sa puso o amputasyon ng paa o hita o maari
ring maging sanhi ng kamatayan.

MGA TIPO NG DIABETES
• Type 1 – Ang katawan ay hindi nakagagawa ng insulin. Ang mga taong may Type 1 na diabetes ay
nangangailangan ng insulin araw araw upang mabuhay.
• Type 2 – Ang katawan ay hindi nakagagawa ng sapat na insulin o hindi nakakagamit ng insulin nang
maayos. Karamihan sa mga taong may diabetes ay may Type 2.
• Ang ibang kababaihan ay nagkakaroon ng diabetes sa kanilang pagbubuntis.

BANTAYAN ANG PAGKAIN AT MAGEHERSISYO
• Walang iisang dieta para sa mga taong may diabetes. Makipagugnayan sa inyong health team
upang makagawa ng plano para sa inyo.
• Maaari pa ring kumain ng mga paboritong pagkain basta’t bantayan lamang ang dami ng kakainin. Ang carbohydrates ang pinakagrabeng magpataas ng blood sugar.
• Nakakatulong din ang Nutrition Facts label sa mga pagkain. Maraming mga packaged foods ay
sobra sa isang serving.
• Ang mga pagkain natin ay mayroong: Carbohydrates (prutas, gulay, tinapay,
juices, gatas, cereals at desserts) Fats Protina Fiber (prutas, gulay, beans, tinapay at cereals)
• Maging aktibo ng mga kalahating oras bawat araw sa buong linggo.
• Ang ehersisyo ay nakakatulong sa paggana ng insulin ng katawan.Nakakababa rin ito ng blood sugar,
blood pressure at cholesterol.


TAMANG PAGGAMIT NG MGA GAMOT
Kung minsan, kailangang uminom ng gamot o mag-ineksyon ng insulin ang mga taong may diabetes.
Siguraduhing sundin ang direksyon sa paggamit ng gamot.
• Tanungin ang inyong doktor, nars o pharmacist kung anong nagagawa ng mga gamot, kung kailan
gagamitin at kung mayroon itong anumang side effects.
SUBAYBAYAN ANG INYONG BLOOD SUGAR AT ALAMIN ANG
IMPORMASYON SA DIABETES

• Maiiwasan ang sakit at atake sa puso sa pagsubaybay sa inyong blood sugar, 

blood pressure at cholesterol.
• Makipag-ugnayan sa inyong doktor, nars o pharmacist.
• Subaybayan ang inyong blood sugar sa pamamagitan ng metro (home
testing kit). Ito ang magsasabi kung gaano kataas ang inyong blood
sugar upang kayo ay makapagdesisyon ng maigi.
• Humingi sa doktor ng A-1-C test. Ito ay nagsusukat ng blood sugar
levels sa loob ng 2-3 buwan.
• Makipag-usap sa inyong health team tungkol sa inyong ABC’s:

PAANO MAIIWASAN ITO CLICK THIS....https://www.youtube.com/watch?v=el98UaDMSGo

No comments:

Post a Comment