Pages

Wednesday, January 20, 2016

10 PAGKAIN NA MABUTI PARA SA ATAY

Ang atay ay isang mahalagang organ sa katawan na responsable sa ilang mga paggana kabilang na ang pagtunaw sa ilang mga pagkaing kinain, pag-sasala sa dugo na dumadaloy sa sikmura at bituka, at pagbabawas sa lason o masasamang epekto ng gamot at alak sa katawan. Subalit kung magpapabaya sa mga pagkaing kakainin, at maging sa alak at mga gamot na iinumin, ang atay ay maaaring manghina, masira at pumalya sa paggana. Tinatawag na liver cirrhosis ang ganitong kondisyon. Sa ganitong pagkakataon, mas madaling kapitan ng mga sakit ang atay at maaaring tuluyan na itong masira at mangailangan ng bago at masiglang atay sa pamamagitan ng liver transplant.
Upang maiwasan ang sitwasyong ito, kinakailangan ang pagiging maagap lalo na sa mga pagkaing kinakain.

1. Bawang

Ang matapang at kilalang amoy ng bawang ay mayaman sa ilang mga kemikal gaya ng sulfur. Ang kemikal na ito ay makatutulong sa detoxification ng atay mula sa mga nakalalasong kemikal gaya ng mercury, at mga substansya mula sa mga artipisyal na pampalasang dinaragdag sa pagkain. Basahin ang iba pang benepisyo na makukuha sa bawang




2. Repolyo

Ang gulay na repolyo at iba pang madahong gulay na kahalintulad nito (letsugas, kale, broccoli) ay mayaman din sa sulfur. Nakatutulong din ang mga ito sa paglilinis ng atay mula sa mga nakasasamang kemikal at substansya, at pati na sa mga nakakasirang free radicals. Basahin ang iba pang benepisyo na makukuha sa repolyo







3. Mansanas

Ang mansanas na mayaman sa pectin ay nakatutulong naman sa paglilinis sa daluyan ng pagkain mula sa masasamang substansya at kemikal. Dahil dito, nababawasan ang trabahong ginagampanan ng atay at mas naiiwasan ang mabilis na pagkasira nito.




4. Cauliflower

Gaya rin ng repolyo, ang cauliflower ay may taglay din na kemikal at enzymes na nakatutulong sa mabilis at epektibong proseo ng detoxification ng atay. Mas madaling naaalis ang nakasasamang carcinogen at free radicals na nagpapababa naman sa posibilidad ng pagkakasakit ng kanser.





5. Luyang dilaw

Ang kemikal na curcumin na nakukuha sa luyang dilaw ay nakatutulong sa paghilom ng nasirang bahagi ng atay, bukod pa ito sa suportang binibigay sa proseso ng detoxification ng atay. Basahin ang iba pang benepisyo na makukuha sa luyang dilaw




6. Abukado

Ang mga sustansyang siksik sa laman ng abukado gaya ng oleic acid ay mabuti para sa atay. Ngunit bukod pa dito, sinasabing taglay din ng laman ng bunga ng abukado ang kemikal na glutathione na mahalaga rin sa proseso ng detoxification ng atay. Basahin ang iba pang benepisyo na makukuha sa abukado




7. Toge

Ang mga toge, pati na ang mga buto at mga mani, ay mayaman sa mga mahahalagang enzymes na aktibong tumutulong sa mas maayos na proseso ng paglilinis sa atay.





8. Karots

Ang mga flavonoids at beta-carotene na taglay ng karots ay mahalaga sa kabuuang paggana ng atay. Basahin ang iba pang benepisyo na makukuha sa karot: 




9. Green tea

Ang inuming green tea ay mayaman sa mga sustansyang mahalaga sa maayos na paggana ng atay gaya ng substansyang catechins.








10. Olive oil

Ang mga nakabubuting mantika mula sa mga halaman gaya ng olive oil, hemp oil, at flax seed oil ay nakatutulong din paglilinis ng atay. Maaaring sumama sa mga langis na ito ang ilang nakalalasong kemikal at substansya na nasala ng atay.

No comments:

Post a Comment