Pages

Monday, February 1, 2016

HEART ATTACK AWARE KA BA?


Myocardial infarction (MI) – Hango sa pinagsamang mga salitang myo (kalamnan) at cardial (puso). Kamatayan naman ang ibig sabihin ng infarction (kamatayan) dahil sa kakulangan ng oxygen.

Ang atake sa puso o myocardial infarction ay nangyayari kapag ang pagdaloy ng dugo patungo sa isang bahagi ng puso ay tumitigil. Kung sapat ang oras ng pagtigil ng daloy ng dugo (karaniwang sa loob ng 20 hanggang 40 minuto), nagsisimulang mamatay ang kalamnan sa parteng iyon ng puso.
Patuloy ang permanenteng pagkamatay ng kalamnan sa puso at nagsisimulang magpeklat anim hanggang walong oras matapos ang atake. Maituturing na “kumpleto na” ang atake sa puso sa loob ng panahon na ito. Ito ay isang emergency at nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Tumawag agad ng doktor at isugod agad sa ospital ang inaatake sa puso.

DAHILAN NG SAKIT NA ITO

  • Edad
  • Kasarian -Pagiging lalaki.
  • Minanang disposisyon ayon sa kasaysayang medikal ng pamilya.
  • Personal na kasaysayang medikal, lalo na kung may indikasyon ng cardiac ischema o iba pang problemang medikal.
  • Nakaraang pagtitistis o atake sa puso.
  • Pre-eclampsia para sa mga babae.
  • Menopause para sa mga babae.

SINTOMAS


Hindi pare-pareho ang lalabas na sintomas sa bawat inaatake sa puso. May biglaan ang atake at mayroon din naman paunti-unti at bahagya lamang ang nararamdaman. Maaari ring walang sintomas na ipinamamalas. Silent heart attack ang tawag dito kung kaya’t hindi dapat ipagpaliban ang mga nararamdaman.
Ibang karaniwang sintomas ay ang mga sumusunod:
  • Pananakit ng dibdib - Maaaring maging katamtaman o labis ang pananakit. Mararamdaman ang pananakit ng dibdib bilang:
  • Maaaring maramdaman sa isang bahagi lamang ng katawan.
  • Maaaring maramdamang lumilipat ang pananakit mula sa dibdib patungo sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng mga brasobalikatleegngipinpangatiyan, o likod.
  • Karaniwang tumatagal ng sobra sa 20 minuto ang pananakit.
  • Maaaring hindi mawala sa pagpapahinga o medikasyon.
  • Maaaring magpabalik-balik ang mga sintomas.
Iba pang maaaring sintomas:
  • Ang mukha ay parang kulay abo o nawawalan ng kulay.
  • Pagkabalisa
  • Labis na masama ang pangkalahatang pakiramdam.
  • Pag-ubo
  • Kawalang-malay
  • Pagkakahilo
  • Pagduduwal o pagsusuka.
  • Pakiramdam na masyadong mabilis o iregular ang tibok ng puso (arrhythmia).
  • Dyspnea o kakapusan ng hininga.
  • Pagpapawis
  • Panlalamig
  • Problema sa pagtulog.
Para sa mga matatanda, may diabetes, at kababaihan na mas mataas ang panganib ng silent heart attack:
  • Maaaring kaunti o walang pananakit ng dibdib na mararamdaman.
  • Kung may pananakit man, maaaring maramdaman bilang lumilibot na pananakit sa leeg, panga, balikat o likod.
  • Maaaring magpakita ng di-karaniwang sintomas tulad lamang ng kakapusan ng hininga, pagkakahapo at panghihina.

Products na pede makatulong para maiwasan ang napakadelikadong SAKIT na ito
CLICK THIS...http://arielarambulo.blogspot.com/2016/02/aim-global-products-na-pede-makatulong.html

PLEASE SHARE THIS TO YOUR LOVE ONES AND FRIENDS....












Hi! I am Ariel Arambulo
Your Online Entreprenuer
You can text or call me :09193291031 / 09352414966

Facebook Fanpage: https://www.facebook.com/ARIEL-Arambulo-579342385554631/

No comments:

Post a Comment